...
"Pero totoo yung mga kapangyarihan tol, hindi ako nagbibiro. May nabalitaan nga dito na may nag mutate daw tapos pinaslang yung sariling pamilya niya. Tapos papatayin na niya sana anak niyang babae kaso biglang nag Gates of Hell yung babae, ayun, siya nadale. oh Last shot na.."
"Ay, sareh. *shot*... Pero ang adik ng storya mo ungas.. lasing kana.. Hoy Lloyd anu ba tinutunganga mo jan?"
Wala men, happy thoughts. hahaha...
-...Ako pala si Lloyd, hindi John Lloyd ha.. Lloyd lang.. simpleng tao lang.. Natigil ako sa pag aaral dahil sa.. well. sa katamaran ko. Ginagawa ko nalang ngayon? hang out, training sa malapit na Martial Arts Gym.. Online games. yun lang.. kasama ko mga kaibigan ko ngayon. eto, kainuman ko sila James tsaka si Vash.-
Iniimagine mo nanaman crush mo noh?? sabi ni James. "Yeahp.. haha.." ...Eh bat di ka na kasi magpakilala? stalk ka ng stalk, panay view mo sakanya sa facebook.. wala kang mapapala jan mabibitin ka lang.. banat ni Vash.
Tignan mo naman siya men.. Pang anghel na mukha, pang model na katawan, cha imba mga grades niya, mababa na ata sakanya yung 85%.. eh ako? di naman kagwapuhan, di ako macho, NAG STOP PA AKO sa pag aaral.. in short, wala akong chance..
eto naman sabi ni vash.. "Ano ngayon? May mawawala ba sayo? pre, mas maganda yon atleast nag try ka. Eh kung kumagat? edi mas maganda!"
..Speaking of.. Teka lang, punta muna ko sa kanto, dadaan na yun, susulyap lang ako. *grin*
Sus.. sige samahan ka na namen. Tapos narin naman 'tong inuman. Leggo.
-So dahil isa akong matinding stalker, pumunta nga ako sa kanto. dun kasi siya laging dumadaan. Wala lang, para lang makita ko siya. >:)-
...
...
...
...
(1 hour and 30 minutes later)
"Lloyd, asan na?"
...tagal niya ah, dapat kanina pa siya dumaan dito..
"Baka di pa tapos schedule niya?"
...Alam ko schedule niya, monday to friday. kahit nga oras ng pagsimba niya alam ko..
"grabe kang stalker ka.. Baka naman may project sila kaya di agad umuwi?"
...Siguro nga.. Sige, Tara na, uwian na. may bukas pa..
..
..
...Badtrip, di ko nakita si Selene ngayon.. tsk..
"Jusko Lloyd, darating yung araw may manliligaw sakanya, tutunganga ka, sasagutin siya, iiyak ka, Forever Alone ka nanaman." James said.
...Sige lang, masaya na ako sa pag stalk stalk lang.
Tara na, sabi ni Vash..
-Naglalakad na kami pabalik nang biglang may tumatakbong mabilis papunta samin..-
"Men, someone's rushing towards us.. Can you see it?" ..Tengene James wag kana mag ingles, we can't comprehend..
"Men, i don't mean to scare y'all but.. Look at him, He looks like a.."
..P*tang ina TAKBO!! hindi tao yan!!
-Hindi naman sa lasing kami pero yung tumatakbo palapit samin.. hindi normal yung pagmumukha. hindi sa nanlalait ako pero, syet.. Zombieng zombie yung dating niya.. Hinabol kami nung mala zombie na taong ewan hanggang sa ma trap kami sa isang eskinita-
"Sh*t man! GG tayo puds na tayo netong aswang na to..." Kagat ni Vash.
Tol.. naglabas pa siya ng mahaba habang claws.. we're done for.. sabay naman ni James..
-at dahil kahit papaano ay may training ako ng martial arts, hinarap ko yung zombie.. oneng ala eh. nakagat lang ako sa leeg.. akala ko madadale na ako nun, nagdidilim na paningin ko.. pero bago pa ako mahimatay sa sakit, nakita kong pinalo ni James ng tubo (na hindi ko alam saan niya kinuha yon) yung zombie. naalis yung kagat niya sakin.. huling nakita ko nalang, pinagsisipa ni Vash tsaka pinagtutubo sa ulo ni James.. Huling narinig ko naman.. "Gising Lloyd! Gumising ka! wag kang magpakamatay na single!!...-
"Gising Lloyd!!"
..ang ingay mo men.. gising na ako.
-Nagising ako dito sa kwarto ni James, sa bahay nila. Oo pala, pinagusapan namin na maglalaro kami ng Ragnarok dito sakanila..-
"Mag ayos ka na pre, aalis tayo."
..Ang sama ng panaginip ko, bwisit akala ko totoo.. linalamon na ako ng zombie na ewan.. Teka, di ba maglalaro tayo dito? san tayo pupunta?
"...Hahanapin natin mga pamilya tska mga kaibigan natin. may nagsilabasan daw na mga abnormal na tao, nagrerebelde. marami silang kinidnap at kung anu ano."
..Huh?? adik ka James? wag mong sabihing may tama ka pa kagabi? ..teka bat naka bandage leeg ko? ...What the F...
"Nakaayos na kami ni Vash, mag ayos ka na rin."
---
No comments:
Post a Comment