"Sugod na! wag na takbuhan yan!!"
-ayos. advantage namen? tatlo kame. may apoy apoy si James, may dala kaming pamalo ni Vash, hindi naman malaki yung palapit na Jacob samin, kaya pwedeng sabayan at paluin or tamaan ng itak. disadvantage namen? takot si Vash sa aso.-
"Paksyit hindi ako tumama!"
Syete James hindi ka marunong magtarget???
"Hindi naman ako nagpapraktis ng sunugan sa bahay o kahit saan ah, dito ko palang ginamit!"
"Tol tulong!!!!"
-na pin down ng medium sized aso si Vash, hinarang niya yung hawak niyang itak kaya yun yung nakagat ng Jacob, ayaw bumitaw ng aso, sinusubukan niya atang putulin yung itak. gudluck.-
Clear shot na Tol! tira na!
"G*go ka James pag ako tinamaan mo rin aasura strike kita in real life!!" Sigaw ni Vash.
"P*TANG INAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!"
...
...
...
...
-Lumapit kami kay Vash katapos magfade ng usok, akala namin nasunog din siya, andun pa naman siya, nakahiga..-
"Vash, buhay ka pa?" bulong ni James.
".....g*go ka.. Amoy pritong aso ako.."
...atleast hindi ikaw mismo yung naprito..
"G*go kayong ten times... itayo niyo ako dito.."
haha. wag mo ako isama, si James naglabas ng fireball hindi ako..
-syempre tinayo na namin si Vash. hindi naman siya injured, amoy sunog na aso lang talaga. so naglakad na kami papunta kina Justin, malapit narin naman.-
"Justin!!"
...Jus!! andito na kame!! buksan mo yung gate!!
-10 minutes ng pagtawag sakanya.-
"..walang sumasagot pre, baka nadale na siya.."
Wag ka ganyan men, pasok nalang tayo, akyatin nalang natin yung gate..
-at dahil bad ass kami, inakyat nalang namin yung gate, pumasok sa bahay.. iniisip lang namin kung anu na nangyari sa kasama namin.. magulo yung bahay. parang na raid, hindi ganito ginagawa ng militar pag nagsusundo ng mga tao. Wala naman dugong nakakalat.. pero wala rin si Justin.-
"mga tol may something dito sa kwarto niya!" sigaw ni Vash.
"Bold?"
"Timang hindi.. hindi yon, may iba pa"
..lez check..
-pagpasok namin ni James sa kwarto.. may.. Warp portal??-
"Tara pasok tayo" pagdemonyo ni James samin.
sigurado ka bang warp portal yan? baka mamaya trap lang yan..
"Men, magulo yung bahay, wala si Justin, May PORTAL sa kwarto niya, hindi niya dinala bold niya, ano ibig sabihin non?"
"...gay si Justin?"
ahaha.. sige, tara. pasok tayo. una ka James, mataas stats mo eh.
"Syempre, dati akong imba eh."
-Pumasok naman kami sa portal, parang naka high ka lang. tapos isang kurap, ayun, nandito kami.. Kina David-
David: Isara mo na yung Portal Grace.
-nag Cast ng something si ate Grace, naglaho yung portal-
"So gusto niyo na ba ng explanation?" sabi ni ate Grace.
...Litong lito na ako, panaginip ba 'toh? si James naglalabas ng apoy, si ate Grace may Warp portal?? ano pa susunod na gusto niyong ipakita sakin??...
"Lloyd, yung iba satin na sagip na, kailangan niyo lang pumunta sa base ng militar para safe na kayo."
Eh pano kayo? si James, ikaw? may warp portal ka naman ate, bat hindi ka nalang mag warp ng deretso sa base?
"Pag sumama kami sa base, mababaril kami. may gyera ngayon Lloyd, sa ayaw o sa gusto namin, kinamumuhian na kami ng mga tao.."
Ikaw David, ano ba plano mo? wag mo sabihing may skill ka rin?
"Wala akong kapangyarihan Lloyd, pero plano ko? irescue si Wesley.."
Nakidnap si Wesley?? bakit??
"...Para mas mabilis intindihin, kailangan siya ng mga rebelde."
---
No comments:
Post a Comment