...Teka, Asan si Justin?
"Hindi niyo ba kasama? binuksan ko yung portal sakanila ah?"
tatlo lang kami oh.. Hmm.. baka nadale na nga si Justin.. sh*t.. nahuli tayo.. James..
"..Problemahin nalang natin yung ibang alam natin na buhay pa."
"Puntahan narin natin si Wesley bago pa tayo mahuli." sabi ni Vash.
Mejo nalilito talaga ako, hindi ako makasabay sa mga nangyayari, tska bat satin pa nangyayari to? andaming tao sa pinas.. Bat tayo yung naluluto?
Nagexplain si David. "Lloyd, si Wesley kasi anak ng mayaman. may kaya, may pera, may Kapangyarihan.. kakailanganin siya para makakuha ng military power yung mga rebelde."
"Bah, may powers and sh*t na yung mga rebelde ha??? kelangan pa nila ng baril??" bulyaw ni Vash
"Hindi naman lahat ng kapangyarihan nakakamatay. yung iba, tulad ng kay Grace, eh nakakatulong pa nga." sabi naman ni David
..I see.. Sige, so ano plano?...
-inexplain nila ate Grace at David yung plano, So kailangan lang mag stall sa harap ng kung saang lugar dinala si Wesley, manggugulo kami sa harap at habang nagkakaroon ng putukan, maglalagay ng portal si ate Grace malapit kay Wesley, kukunin siya ni David tapos.. Boom, panalo.-
"Tatlo lang kami nila Lloyd, hindi pa kontrolado ni James yung apoy niya, hindi pa kami marunong humawak ng baril.. Tingin mo tatagal kami sa putukan???" Reklamo ni Vash.
"May backup naman kayo" sabi ni ate Grace, may inaantay lang tayo tapos gagawin na natin yung plano.
-So habang inaantay namin yung back up, nagpapraktis kami ni Vash, tinuruan ko siya ng konting choke holds para kung sakaling magkaroon ng close range combat. si James naman nagttesting ng mga apoy apoy, atleast, nagiimprove na yung accuracy niya.. si ate Grace din, pinapraktis din ang paggawa ng tatlong portal, hanggang dalawa lang kasi nagagawa niya..-
???: Guys, andito na mga equip natin.. nakuha lang namin sa mga ibang... bangkay..
...Des? Ruel? Ardi? kayo kayo mga back up?
"Oh bakit masama? kayo lang ba bida?" Ruel said.
Sori na.. asan mga magulang niyo? mga kapatid niyo? bakit tayo lang ba andito?
pagsabi naman ni David; Kasi lagi tayong nasa labas, halos lahat ng magulang nasa base na rin, nagpaiwan lang ako kasi nabalitaan kong nakuha si Wesley. pati sila Ardi nagpaiwan din.
-Everything explained, nagpulot na kami ng weapons ulet, atleast mas maraming choices-
Bat may Broadsword dito?? kaninong bangkay niyo naman nakuha to???
"Kumuha ka nalang! ano ka ba! atleast nga mafil mo pang lumalaban ka parang sa RO lang!" sagot ni Des sakin
fine fine.. di ko to trip. masyadong heavy. haha. ikaw, hindi ka kukuha?
"Spesyal din ako Lloyd, dont worry."
-so pinili ko itong baril at pamalo ng pulis, tonfa eh, matagal ko nang trip ang tonfa.. si Vash, kumuha ng AC-556 assault rifle. Bad ass,pero bahala siyang magbuhat niyan.-
David: "oh, Game na ba tayo?"
..Sige lang, palag.
"Game, sunugan na to."
"tol ambigat ng baril na to.. sige lang, game na ako"
"..Ardi, game na ba?"
"sunduin na natin si Wesley."
"Des, ready na?.."
"..."
"..."
"..."
"..."
"..."
"Ready."
"Grace, magbukas ka na ng portal."
---
No comments:
Post a Comment