Saturday 28 January 2012

January 28, 2012 War of Emperium

The event now is called Agit Lords. Where in the winners will have the chance to battle 7v7 and hopefully represent our country Philippines. So our war is a little harder than our previous sieges because we want to be part of this tough event.

Wednesday 25 January 2012

Story mode (pt 5)

...Teka, Asan si Justin?

"Hindi niyo ba kasama? binuksan ko yung portal sakanila ah?"

tatlo lang kami oh.. Hmm.. baka nadale na nga si Justin.. sh*t.. nahuli tayo.. James..


"..Problemahin nalang natin yung ibang alam natin na buhay pa."


"Puntahan narin natin si Wesley bago pa tayo mahuli." sabi ni Vash.


Mejo nalilito talaga ako, hindi ako makasabay sa mga nangyayari, tska bat satin pa nangyayari to? andaming tao sa pinas.. Bat tayo yung naluluto?


Nagexplain si David. "Lloyd, si Wesley kasi anak ng mayaman. may kaya, may pera, may Kapangyarihan.. kakailanganin siya para makakuha ng military power yung mga rebelde."


"Bah, may powers and sh*t na yung mga rebelde ha??? kelangan pa nila ng baril??" bulyaw ni Vash

"Hindi naman lahat ng kapangyarihan nakakamatay. yung iba, tulad ng kay Grace, eh nakakatulong pa nga." sabi naman ni David


..I see.. Sige, so ano plano?...



-inexplain nila ate Grace at David yung plano, So kailangan lang mag stall sa harap ng kung saang lugar dinala si Wesley, manggugulo kami sa harap at habang nagkakaroon ng putukan, maglalagay ng portal si ate Grace malapit kay Wesley, kukunin siya ni David tapos.. Boom, panalo.-


"Tatlo lang kami nila Lloyd, hindi pa kontrolado ni James yung apoy niya, hindi pa kami marunong humawak ng baril.. Tingin mo tatagal kami sa putukan???" Reklamo ni Vash.


"May backup naman kayo" sabi ni ate Grace, may inaantay lang tayo tapos gagawin na natin yung plano.



-So habang inaantay namin yung back up, nagpapraktis kami ni Vash, tinuruan ko siya ng konting choke holds para kung sakaling magkaroon ng close range combat. si James naman nagttesting ng mga apoy apoy, atleast, nagiimprove na yung accuracy niya.. si ate Grace din, pinapraktis din ang paggawa ng tatlong portal, hanggang dalawa lang kasi nagagawa niya..-



???: Guys, andito na mga equip natin.. nakuha lang namin sa mga ibang... bangkay..


...Des? Ruel? Ardi? kayo kayo mga back up?


"Oh bakit masama? kayo lang ba bida?" Ruel said.

Sori na.. asan mga magulang niyo? mga kapatid niyo? bakit tayo lang ba andito?


pagsabi naman ni David; Kasi lagi tayong nasa labas, halos lahat ng magulang nasa base na rin, nagpaiwan lang ako kasi nabalitaan kong nakuha si Wesley. pati sila Ardi nagpaiwan din.


-Everything explained, nagpulot na kami ng weapons ulet, atleast mas maraming choices-

Bat may Broadsword dito?? kaninong bangkay niyo naman nakuha to???


"Kumuha ka nalang! ano ka ba! atleast nga mafil mo pang lumalaban ka parang sa RO lang!" sagot ni Des sakin

fine fine.. di ko to trip. masyadong heavy. haha. ikaw, hindi ka kukuha?

"Spesyal din ako Lloyd, dont worry."




-so pinili ko itong baril at pamalo ng pulis, tonfa eh, matagal ko nang trip ang tonfa.. si Vash, kumuha ng AC-556 assault rifle. Bad ass,pero bahala siyang magbuhat niyan.-




David: "oh, Game na ba tayo?"


..Sige lang, palag.

"Game, sunugan na to."

"tol ambigat ng baril na to.. sige lang, game na ako"

"..Ardi, game na ba?"

"sunduin na natin si Wesley."

"Des, ready na?.."

"..."
"..."
"..."
"..."
"..."


"Ready."



"Grace, magbukas ka na ng portal."





---

Story mode (pt 4)

"Sugod na! wag na takbuhan yan!!"



-ayos. advantage namen? tatlo kame. may apoy apoy si James, may dala kaming pamalo ni Vash, hindi naman malaki yung palapit na Jacob samin, kaya pwedeng sabayan at paluin or tamaan ng itak. disadvantage namen? takot si Vash sa aso.-


"Paksyit hindi ako tumama!"

Syete James hindi ka marunong magtarget???

"Hindi naman ako nagpapraktis ng sunugan sa bahay o kahit saan ah, dito ko palang ginamit!"



"Tol tulong!!!!"

-na pin down ng medium sized aso si Vash, hinarang niya yung hawak niyang itak kaya yun yung nakagat ng Jacob, ayaw bumitaw ng aso, sinusubukan niya atang putulin yung itak. gudluck.-


Clear shot na Tol! tira na!

"G*go ka James pag ako tinamaan mo rin aasura strike kita in real life!!" Sigaw ni Vash.




"P*TANG INAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!"




...
...
...
...



-Lumapit kami kay Vash katapos magfade ng usok, akala namin nasunog din siya, andun pa naman siya, nakahiga..-

"Vash, buhay ka pa?" bulong ni James.

".....g*go ka.. Amoy pritong aso ako.."

...atleast hindi ikaw mismo yung naprito..

"G*go kayong ten times... itayo niyo ako dito.."


haha. wag mo ako isama, si James naglabas ng fireball hindi ako..



-syempre tinayo na namin si Vash. hindi naman siya injured, amoy sunog na aso lang talaga. so naglakad na kami papunta kina Justin, malapit narin naman.-


"Justin!!"

...Jus!! andito na kame!! buksan mo yung gate!!


-10 minutes ng pagtawag sakanya.-


"..walang sumasagot pre, baka nadale na siya.."


Wag ka ganyan men, pasok nalang tayo, akyatin nalang natin yung gate..


-at dahil bad ass kami, inakyat nalang namin yung gate, pumasok sa bahay.. iniisip lang namin kung anu na nangyari sa kasama namin.. magulo yung bahay. parang na raid, hindi ganito ginagawa ng militar pag nagsusundo ng mga tao. Wala naman dugong nakakalat.. pero wala rin si Justin.-


"mga tol may something dito sa kwarto niya!" sigaw ni Vash.

"Bold?"

"Timang hindi.. hindi yon, may iba pa"


..lez check..


-pagpasok namin ni James sa kwarto.. may.. Warp portal??-


"Tara pasok tayo" pagdemonyo ni James samin.

sigurado ka bang warp portal yan? baka mamaya trap lang yan..


"Men, magulo yung bahay, wala si Justin, May PORTAL sa kwarto niya, hindi niya dinala bold niya, ano ibig sabihin non?"


"...gay si Justin?"

ahaha.. sige, tara. pasok tayo. una ka James, mataas stats mo eh.

"Syempre, dati akong imba eh."



-Pumasok naman kami sa portal, parang naka high ka lang. tapos isang kurap, ayun, nandito kami.. Kina David-


David: Isara mo na yung Portal Grace.

-nag Cast ng something si ate Grace, naglaho yung portal-


"So gusto niyo na ba ng explanation?" sabi ni ate Grace.


...Litong lito na ako, panaginip ba 'toh? si James naglalabas ng apoy, si ate Grace may Warp portal?? ano pa susunod na gusto niyong ipakita sakin??...

"Lloyd, yung iba satin na sagip na, kailangan niyo lang pumunta sa base ng militar para safe na kayo."

Eh pano kayo? si James, ikaw? may warp portal ka naman ate, bat hindi ka nalang mag warp ng deretso sa base?

"Pag sumama kami sa base, mababaril kami. may gyera ngayon Lloyd, sa ayaw o sa gusto namin, kinamumuhian na kami ng mga tao.."


Ikaw David, ano ba plano mo? wag mo sabihing may skill ka rin?


"Wala akong kapangyarihan Lloyd, pero plano ko? irescue si Wesley.."


Nakidnap si Wesley?? bakit??


"...Para mas mabilis intindihin, kailangan siya ng mga rebelde."







---

Tuesday 24 January 2012

Story mode (pt 3)

...Baka anu na nangyari sa crush ko kaya hindi ko siya nakitang umuwi....



"Bat ngayon mo lang pinakita yan samen?" sabi ni Vash kay James.

Oo nga naman, Amazing siya men. hahaha..

"Syempre, eh pag pinakita ko sainyo to sa umpisa palang, ano nalang mangyayari?"

"may point ka.." said Vash.



-So nag ayos na ako. Nagdala kami ng mga pwedeng gamitin na pamalo o weapons sa bahay. "may Fire sh*t naman si James, wag mo na siya dalhan ng itak." ..Tinawagan ni Vash si Justin. puntahan daw namin si Justin dahil magisa lang siya at hindi siya tatagal pag naglakad siya papunta dito.-

Sila David hindi mo tatawagan? "Hindi na, sigurado naman akong safe sila. tsaka hindi rin natin sila mapapapunta dito, masyadong malayo. sa malalapit muna."


"Lloyd, Vash. Leggo."


-Dahil wala kaming sasakyan, lakad lang ang ginawa. naghahanda na kami sa kung anong mangyayari, at medyo sabik dahil sa Firepower ni James. aba, syempre gusto rin namin makita in action si boy sunog.-



Tol, pag may lumapit satin Magnum break mo agad ha?

"G*go."

"Hahaha. buti nga wala man tayong nakikita.. malapit na rin naman tayo kina Justin." ayon kay Vash.



Pero ayos na hindi ah.. May zombie, si James may magnum break, may nag aalsa. kulang nalang mga edward cullen. mga werewolf, vampire, maglabas naman kayo ng MVP jan! hahaha!


"tol naman. kelangan bang sabihin yan?" sabi ni James.

bakit? Chill lang naman tayo?


"hindi, yung Maglabas sila ng MvP.. ayan tuloy..."


ayan tuloy ano?


"Lloyd, ihanda mo na yang pamalo mo.." hikayat ni Vash.


bakit?


"Tingin ka sa likod."






...!!!!


"Game, tutal andito narin tayo... old skul na magnum break.. IGNITION BREAK!!!"





---

Story mode (pt 2)

...Ano bang nangyari kagabi? so hindi ako nanaginip nung may kumagat sakin??? gademet men magpapanik ako dito!!


"Relax ka lang men. eto yung news oh.." binuksan ni Vash yung TV.


-Ayon sa news, nagsilabasan nga yung mga nagtatagong may... "kapangyarihan", gusto nila "maghari" at makipaggyera.. wala silang demands, gusto lang talaga nila ng away..-

haha, parang cheap pinoy movie. hahahaha.. pero, bat ganon? bat bigla lang nagkaganito? anong trigger naman yung nangyari para lumabas yang mga yan?

nag explain si James; Naalala mo yung kinwento ko kagabi? yung nag mutate? natsismis yun sa lahat, hanggang sa may mga hindi nakapagtimpi, linabas na rin nila kung sino sila.


...i see.. So bakit nila pinagkikidnap mga pamilya natin?? pano tayo nakatakas? binuhat niyo ako hanggang dito sainyo?

"Hindi pa naman tayo sure kung nakidnap sila or nakapunta sa military camp. Oo, binuhat ka namen. alangan naman iwan ka namen dun sa sulok para pagpiyestahan ng mga.. ..Anyway, yung pamilya ko tumawag kagabi na sinundo sila ng militar dun sa base. Yung nanay ni James may limang miss call sakanya kagabi, alam mo naman yan hindi nagpapaalam. yun lang huling balita namin.."


teka, check ko lang facebook ko.
"t*ng ina nagdedelubyo na ang pinas naisip mo parin facebook???"

G*go check ko kung may message sila ate.. hindi ko dinadala phone ko diba?..

-Kabukas ko ng facebook.. Uy, magcoconcert yung evanescence dito sa Feb.. at.. May message ang ate ko, nasundo rin daw sila ng militar. Sabi niya rin na wag kaming maghihiwalay ng mga kasama ko dahil.. laganap yung patayan pag mag isa ka lang at wala kang.. Spesyal na kakayahan.-


so.. nanay at tatay mo nalang yung hahanapin natin James.

"Alam ko naman na safe sila mama, iniisip ko lang kung...."

Kung ano?











Vash and Lloyd: !??!?!?!???


"...iniisip ko lang kung nagtago sila, or kasama rin sila sa mga nagrerebelde.. anyway, tawagan mo si David, si ate Grace, tsaka si Justin. kailangan marami tayo ngayon."





---

Story mode

...




"Pero totoo yung mga kapangyarihan tol, hindi ako nagbibiro. May nabalitaan nga dito na may nag mutate daw tapos pinaslang yung sariling pamilya niya. Tapos papatayin na niya sana anak niyang babae kaso biglang nag Gates of Hell yung babae, ayun, siya nadale. oh Last shot na.."
"Ay, sareh. *shot*... Pero ang adik ng storya mo ungas.. lasing kana.. Hoy Lloyd anu ba tinutunganga mo jan?"

Wala men, happy thoughts. hahaha...


-...Ako pala si Lloyd, hindi John Lloyd ha.. Lloyd lang.. simpleng tao lang.. Natigil ako sa pag aaral dahil sa.. well. sa katamaran ko. Ginagawa ko nalang ngayon? hang out, training sa malapit na Martial Arts Gym.. Online games. yun lang.. kasama ko mga kaibigan ko ngayon. eto, kainuman ko sila James tsaka si Vash.-


Iniimagine mo nanaman crush mo noh?? sabi ni James. "Yeahp.. haha.." ...Eh bat di ka na kasi magpakilala? stalk ka ng stalk, panay view mo sakanya sa facebook.. wala kang mapapala jan mabibitin ka lang.. banat ni Vash.


Tignan mo naman siya men.. Pang anghel na mukha, pang model na katawan, cha imba mga grades niya, mababa na ata sakanya yung 85%.. eh ako? di naman kagwapuhan, di ako macho, NAG STOP PA AKO sa pag aaral.. in short, wala akong chance..

eto naman sabi ni vash.. "Ano ngayon? May mawawala ba sayo? pre, mas maganda yon atleast nag try ka. Eh kung kumagat? edi mas maganda!"

..Speaking of.. Teka lang, punta muna ko sa kanto, dadaan na yun, susulyap lang ako. *grin*

Sus.. sige samahan ka na namen. Tapos narin naman 'tong inuman. Leggo.




-So dahil isa akong matinding stalker, pumunta nga ako sa kanto. dun kasi siya laging dumadaan. Wala lang, para lang makita ko siya. >:)-


...
...
...
...
(1 hour and 30 minutes later)


"Lloyd, asan na?"
...tagal niya ah, dapat kanina pa siya dumaan dito..
"Baka di pa tapos schedule niya?"
...Alam ko schedule niya, monday to friday. kahit nga oras ng pagsimba niya alam ko..
"grabe kang stalker ka.. Baka naman may project sila kaya di agad umuwi?"
...Siguro nga.. Sige, Tara na, uwian na. may bukas pa..


..
..
...Badtrip, di ko nakita si Selene ngayon.. tsk..
"Jusko Lloyd, darating yung araw may manliligaw sakanya, tutunganga ka, sasagutin siya, iiyak ka, Forever Alone ka nanaman." James said.

...Sige lang, masaya na ako sa pag stalk stalk lang.

Tara na, sabi ni Vash..




-Naglalakad na kami pabalik nang biglang may tumatakbong mabilis papunta samin..-


"Men, someone's rushing towards us.. Can you see it?" ..Tengene James wag kana mag ingles, we can't comprehend..

"Men, i don't mean to scare y'all but.. Look at him, He looks like a.."





..P*tang ina TAKBO!! hindi tao yan!!



-Hindi naman sa lasing kami pero yung tumatakbo palapit samin.. hindi normal yung pagmumukha. hindi sa nanlalait ako pero, syet.. Zombieng zombie yung dating niya.. Hinabol kami nung mala zombie na taong ewan hanggang sa ma trap kami sa isang eskinita-


"Sh*t man! GG tayo puds na tayo netong aswang na to..." Kagat ni Vash.
Tol.. naglabas pa siya ng mahaba habang claws.. we're done for.. sabay naman ni James..


-at dahil kahit papaano ay may training ako ng martial arts, hinarap ko yung zombie.. oneng ala eh. nakagat lang ako sa leeg.. akala ko madadale na ako nun, nagdidilim na paningin ko.. pero bago pa ako mahimatay sa sakit, nakita kong pinalo ni James ng tubo (na hindi ko alam saan niya kinuha yon) yung zombie. naalis yung kagat niya sakin.. huling nakita ko nalang, pinagsisipa ni Vash tsaka pinagtutubo sa ulo ni James.. Huling narinig ko naman.. "Gising Lloyd! Gumising ka! wag kang magpakamatay na single!!...-









"Gising Lloyd!!"
..ang ingay mo men.. gising na ako.

-Nagising ako dito sa kwarto ni James, sa bahay nila. Oo pala, pinagusapan namin na maglalaro kami ng Ragnarok dito sakanila..-

"Mag ayos ka na pre, aalis tayo."

..Ang sama ng panaginip ko, bwisit akala ko totoo.. linalamon na ako ng zombie na ewan.. Teka, di ba maglalaro tayo dito? san tayo pupunta?

"...Hahanapin natin mga pamilya tska mga kaibigan natin. may nagsilabasan daw na mga abnormal na tao, nagrerebelde. marami silang kinidnap at kung anu ano."

..Huh?? adik ka James? wag mong sabihing may tama ka pa kagabi? ..teka bat naka bandage leeg ko? ...What the F...

"Nakaayos na kami ni Vash, mag ayos ka na rin."






---

Wednesday 18 January 2012

Welcome to Existence (complete)

Interactions between two or more persons in everyday life are delicate, purely authentic and unimaginable. We live in a world where friends are everywhere. Friends who are also real and who are not. But it's not about picking friends for our common good. It's all about our interaction and how we could sustain a stable relationship with others, without external influence of course. The issues in discrimination's when it comes in choosing friends are very sensitive and fragile and sometimes rumors are so power full that they exist everywhere, giving some brief introduction about a person we are about to know more. And when it comes in influences, peers are here to take the place. Peers are influential, whether you know some of them or not. The point is we listen to them. This peer pressure we have is some kind of natural phenomenon , like a usual existence that we meet in our daily lives. A kind of pressure where seduction and hypnotism take place. No, seriously it's all about loosing control. And we usually run out of clear thinking once were already under it.

We know it's just like a cycle. We do unpleasant things under the influence of peer pressures, we experience the bitterness of our own mistakes and we do it again.

Nothing is new... Everything is common.

But still we have always hopes because we know that the only thing that could save us from ourselves is a fine interaction with others... We know that. But we fail to have one. Yes, its understood that we should choose our friends properly but sometimes, they choose us. There's nothing we can do about it. all we could do is ask the best of whatever they have. We have the right to ask the best of whatever we deserve from them. If we feel their company unworthy then disregard them. Forget what will they say. We got rid of evil deeds and most of all we protected ourselves. We proclaimed goodness in our environment all and we made our hearts contented.

Of course, we still meet people who seem to dare our patience and dignity. But let's just ignore the devil inside of them. Devils that awakens another devil from us.

As we strive hard to attain good interaction. We feed the presence of decency inside us. The benefits of good association to others are priceless and extraordinary. Were just the ones who are able to work out on ourselves. We are the ones who make our future. We put them together, we construct our prospects so why include persons who would destroy our upcoming our interface and communication with others would help us to overlook the better outcome for us.



-Lemz