Tuesday, 29 November 2011

Difficulty: Crush

...err.. sorry sa matagal na pagupdate dito.. nasira ang pc namen.. aaaaaanyway, ahm.. deretso na. topic ngayon is... mga kras. :D


so ayon sa aking experience, may iba ibang level yan.. may mga kras ka na makita mo eh warm ang feeling, pero hindi ganon kalakas ung tama. saktong nkakasmile lang. minsan friend mo sila, minsan kapitbahay mo lang. may ibang mga kras naman na pag nakita mo palang drop dead ka na. stone cursed, butterflies in your stomach, the whole world stops and stares for a while, i wanna be a billionaire. tipong ganon.. sooooooo... i shall explain tha levels of krases




CRUSH LEVELS


Level 1: start palang to ah.. yung tipong "maganda siya, pwede na" the average crush. grade school palang feel mo na yan. parang puppy love. except crush lang talaga.. ikaw naman tong "ang crush ay paghahanga lang".. pagtanda mo ng onti malalaman mo na.. Etuts lang yon.


Level 2: hala ka. highschool ka na, dito mo na mafifeel to.. pero nalang kung aadik adik ka na nung grade school. eto na yung "maganda siya tol, ma_______ pa tsaka may _______" minsan may halong dirty martini to, dito na nagmamature mga boys eh.. kumakagat na ang testosterone.. hehe. dito na start magstalk, este... makipagfriends :D .dito rin yung part na medyo mataas ang chance na maging kayo.. syempre, baby pa eh. starting months of highschool palang. .....may cases daw na sumosobra yung ganito. lalong lalo na sa boys. parang nangibabaw yung "rated 18 feelings." explain ko nalang ano ba talaga yon. mamaya. maghintay ka. magbasa ka lang aabutin mo rin yon.


Level 3: Wow. "nakikita ko palang siya, my day is complete tol", "dadaan siya dito! maayos ba buhok ko? masyado ba akong nagpolbo? ieeh!" mafifeel mo rin to sa highschool. depende sa pag iisip mo. aha. hmmm.. halos same siya ng feeling pag may GF/BF ka.. pinagkaiba lang, hindi kayo. minsan pumapasok yung childish part na kinakausap lang siya ng kaibigan mo eh nababadtrip ka na.. "tol i called dibs sakanya wala naman ganyan andaya mo man" siya na nga kumuha ng number niya para sayo, nagalit ka pa. minsan naman hindi, magaan lang talaga loob mo in her presence. may mga kilala akong naging sila dahil sa ganitong emosyon. na hanggang ngayon sila parin. 7 years na ata silang magBF/GF. jusko. sila na.


Level 4: Stalking rating : max. This is the part where you commit your life to him/her. badtrip ka pag hindi mo siya nakita sa school. bakit di siya pumasok. bakit may iba siyang kasama na hindi mo kilala at wala sa friend circle niya, kumain na ba siya? anong oras siya natutulog? may isang folder ka sa computer mo na puro siya lang ang laman, ung simpleng "hi" na text niya hindi mo na binubura, possessive ka na kahit hindi naman kayo. siya na yung sinasamba mo. kahit wrapper lang ng kendi niya eh pupulutin mo at ibubulsa mo. Divine intervention nalang yung makakapagpigil sa kaadikan mo sakanya. eto yung feeling na nagbreak kayo ng 3year BF/GF mo at sobrang sakit pag nakikita mo na nabubuhay siya ng wala ka. Pinagkaiba? hindi kayo. CRUSH mo palang yan. ...tingin ko may problema ka na kung umabot ka sa level na to. haha.





eto na yung mga ispeysyal na level.... mga exclusive, mga panglalake lang yung iba (wala akong masyadong alam sa inner thoughts ng babae :D)





Level Sigmund Freud: eto na yung isang tanong mo. ...maraming lalake yung hindi nakakapag get over dito.. mga mahihilig. mga mali*og.. siguro meron paring part na ganyan sa amin. pero hindi ung excessive na. makita niya lang yung babae eh "f*ck ang seksi niya ang laki ng _____" ganun.. Sadly may kilala akong ganito. hindi mo makausap ng matino pag babae pinaguusapan. definition niya ng love is lust. mga ganito yung tipong playboy. so ingat diyan mga gals.


Level Siblings: This one, maraming ganito. siguro defense mechanism nalang to, anti rejection.. mga nasa level 2 siguro yung crush rating neto pero pag nakilala mo na at naging close mo na, biglaan kayo ay magkapatid. "ang gwapo niya noh? syempre kapatid ko yan eh!" ....alam ng iba yan... >:)






meron pang isa... may isshare ako sainyo, and ieexplain ko na rin ha? :D





Level Classified: You're my inspiration~~ itong klaseng crush na to, minsan kahit mga close friend mo hindi nila alam. hindi lang to pang pisikal.. sa experience ko kasi (ako na maraming experience) nagkaganito nako.. sinasabi ng iba hindi naman siya masyadong maganda.. pero para sakin perfect na siya. what dazzled me the most is yung umaapaw na katalinuhan niya. Simple lang siya tignan.. hindi ko naman malalapitan yan eh, im way below her league.. x_x

eto siya:


left pic. You look great in that look by the way. hahaha.. di ako bumabanat. sharap y'all, shy nako T_T haha..


Anyway, hmm.. hindi ko masyadong maexplain talaga.. pang level 1 lang yung pag "hanga" mo sakanya pero pang level 3 yung inspiration. basta. ahm.. alam niyo yung song ng parokya yung "pangarap lang kita"? halos ganon, pero hindi naman love talaga. i just adore her. ganon :3









and that ends the topic.. :)






Sa mga naghintay, salamat sa... paghintay? :D pasensya hindi english ngayon.. hehehehe.. Thanks kay Jempot, semi motivation kahit papano. magbigay ka na ng topic jem, tska pasalubong from Bahrain neh, loads of tsokolets. ahaha :)




-Popsy

No comments:

Post a Comment